masarap pala talaga pag marami kang kaibigan… maraming kalokohan, kakulitan at mahihingan ng payo kapag gulong-gulo ka na sa mga problema mo sa buhay mo. masuwerte ako at nakilala ko ang mga taong nakapaligid ngayon sa akin mga nagbibigay ng inspirasyon at pag asa… karamay ko sa aking pakikipaglaban sa buhay.
528 BEAUTIES DORMITORY
sila ang mga nakilala ko sa “dorm 528 beauties” kung tawagin ng mga boarders at tagapamahala nito.







donna, saly, clodz, gay, jaiane, katrina 1, katrina 2….. ay ilan sa mga larawang nababanaag nyo sa itaas, si cherrie, mae, nina, hazel, marie fe ay mga kaibigan ko na di ko nakalap ang larawan…nakalulungkot man sana’y makapag ugnayan pa rin ako sa kanila.
palibhasa’y pang babae lamang ang aming dormitoryo ang mga kadalagahang ito ay nakilala ko habang ako’y nasa kolehiyo, masarap kasama, kausap, kabiruan, mga maalalahanin lalo na kapag kaarawan dahil handa sila sa mga sorpresa…kapag may gimmick night naman, kahit na puyatan naku energized pa rin kinabukasan.
CARDONA
sa iskwelahan at sa una kung kinuhang kurso , duon naman ay nakilala ko si fritzie, ang nagpasyal sa akin sa kanilang hometown cardona sa rizal, duon naranasan kong maging muse for the first time ng isang volleyball team, pumarada ako sa kanilang bayan nakakatawa ala masyado naka kikilala sa akin. basta all smile ako…hehehe…







si fairy, kapatid yan ni fritzie sista’h ko rin. si mean, eneyd, efcel, sendly, phe, rizza at micoy… ilan lamang sa nakilala kong kaibigan sa cardona, madalas ko kasama sa tawanan at kwentuhan, meron din masasarap na kainan at inuman. may sight seeing sa tabing dagat… emote! kung emote! marami pa kong nais idagdag sa mga larawang ito ngunit dahil sa distansya ang ilan ay hindi ko na nakakaugnayan.
PILILLA
di nagtagal lumipat ako ng kurso at nakilala ko naman si yeth-yeth, malugod nya rin ako pinakilala sa mga kabarkada nya sa pililla at agad din naman nila ko tinanggap sa kanilang matatag na samahan… madalas nila ko isama sa mga outing sa kanilang lugar, marami rin tawanan, iyakan, samaan ng loob na di naglaon ay nagkasundo-sundo rin naman para na rin kami magkakapatid.
















marami pa sila actually, ngunit napaka hirap mangalap ng larawan na magpapakita kung gaano kabubuting kaibigan sila naging sa akin… lahat sila ay nagbigay ng inspirasyon at tumulong mabuo ang mga pangarap ko sa buhay, sila bukod sa aking pamilya ang lubos din nakapag bibigay ngiti sa aking mga labi.
may kanya kanya man kaming buhay na tinatahak sa ngayon, hiwahiwalay man kaming umaabot sa aming mga pangarap, sana’y ipag adya ng ating Panginoon at idulot na maabot natin ang mga mithiin nating ito sa buhay.
maraming salamat mga kaibigan, pagpalain tayong lahat!!!
hanggang sa muling pagkikita… nasa atin pa rin ang huling tawa!!! hahaha…
lahat kayo na nakilala ko ay mananatiling yaman sa aking alaala.
paalala: ang mga hindi mapalad na naisama sa larawan ay hindi sinasadya hindi makita… at ang mga pangalang hindi nabanggit ay hindi nangangahulugang hindi na tayo magkaibigan. salamat!