
isang yakap, isang halik, mga tawanan at kulitan… masasayang nagdaan namin ni nicole habang kami’y nagkukwentuhan. mga bagay na kelan may hindi mapapalitan ng kahit na magkakanong halaga.
sa mga panahong nagkakasakit siya, hindi maiwasang mag alala. napupuyat, nag aabang sa bawat oras sa gabing natutulog siya kung hindi ba siya pinagpapawisan, o nilalamig at dapat na kumutan.
marami pala talaga responsibilidad ang isang ina, habang buhay na pag gabay, pagmamahal, pag aaruga… bawal mag resign sa bokasyong pinasukan…ang pagiging ulirang ina.
masarap, mahirap, ala dapat kapaguran, at puno ng pang uunawa, lalo na pagdumarating sa panahong malakas ang kakulitan, pasaway at sabay badtrip din ako, lagot! “magiging Beast na si mommy”, ang palagi kong sambit kay nicole. upang makinig na siya at huwag ako tuluyang magalit. mahirap din kasi makagalitan kasi ako din ang maglalambing pagkatapos. may panahon naman na nauuna na siya mag sabi: “sorry na po mommy.” at talaga namang matutunaw ang puso mo at mawawala nadamang init ng ulo.
Ang magkaroon ng isang anak ay isang napaka gandang regalo, kaya’t pinag iingatan ko hanggat kaya ko…nagiging matatag ako, at inspirado sa bawat araw na kapiling ko ang aking unica hija.
